neverSAYnever Forum
Welcome to VeryXocialiZed (vxz) Clan Official Forum Site! Login or Register Now!!!
neverSAYnever Forum
Welcome to VeryXocialiZed (vxz) Clan Official Forum Site! Login or Register Now!!!
neverSAYnever Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

neverSAYnever Forum

The Official Forum Site Of VXZ Clan
 
HomeLatest imagesGamesSearchRegisterLog in

 

 Paano Madaling Kumita ng Pera

Go down 
AuthorMessage
nSn`ubeholicx
Moderator
Moderator
nSn`ubeholicx


Posts : 52
Join date : 06/12/2010
Age : 31
Location : Baguio/Japan

Paano Madaling Kumita ng Pera Empty
PostSubject: Paano Madaling Kumita ng Pera   Paano Madaling Kumita ng Pera I_icon_minitimeFri Dec 17, 2010 5:13 am

Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI.

Imbestigador: Juan, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyong milyong pera.

Juan: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.

Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!

Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador) Sir, dodoblehen ko po ang ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng kahit isang patak ang mesa nyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!

Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa rin ng tawa si Juan.

Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?

Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.

Abogado: Waaaahhhhh!
Back to top Go down
https://www.facebook.com/profile.php?id=100001284120281
 
Paano Madaling Kumita ng Pera
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
neverSAYnever Forum :: nSn Chill-Out Lounge :: Jokes-
Jump to: